3 sasakyan inanod ng baha sa Davao




Loading...
Tinangay ng malakas na agos ng baha ang tatlong sasakyan sa La Verna Hills Subdivision, Buhangin, sa lungsod na ito bunsod ng malakas na pag-ulan Biyernes ng gabi.

Inanod ng baha ang isang SUV, pickup at L300.



Wala namang nasaktan sa pamilyang sakay ng pickup dahil agad silang nakalabas ng sasakyan.

"Mabuti na lang at may nakitang tirings ang driver at nabasag ang salamin sa likod, tinulungan namin sila na makalabas ng sasakyan,” ayon sa isa sa mga tumulong sa pamilya.

Sinisisi ng ilang residente ng La Verna Hills Subdivision ang land developer dahil maliit umano ang mga imbornal na inilagay sa mga kanal kaya hindi agad makadaan ang tubig kapag umuulan.

Marami na rin di umano ang umalis sa subdivision at lumipat na sa ibang lugar.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), bahain talaga ang lugar. Bagama’t naglagay na sila ng apat na pumping stations para sumipsip ng baha, agad pa ring tumataas ang tubig kapag umuulan dahil mababa ang lugar.

Article Source: http://news.abs-cbn.com/news/07/07/18/tingnan-3-sasakyan-inanod-ng-baha-sa-davao


Loading...