Lalaki, Tinanggal ang “Welcome China” Tarp. at Nakipagtalo sa Reporter




Loading...
Isang matapang na lalaki ang nagtanggal sa isang tarpaulin na kumakalat ngayon sa ilang bahagi ng Kamaynilaan kung saan nakasulat rito ang salitang ‘Welcome to the Philippines, Province of China’.


Ang lalaking ito ay nakilalang si Jeremy Salomon at ang post nito tungkol dito ay agad na nagviral. Sa loob lamang ng tatlong oras ay umabot na sa 8,966 Shares ang kanyang post.


Ayon kay Salomon, tinanong umano siya ng isang reporter ng Inquirer kung bakit niya tatanggalin ang tarpaulin. Sinagot niya naman ito ng “Kung may karapatan ka maglagay ng poster pero “Maling” impormasyon, may karapatan din ako “i-Tama” ang mali.”

Basahin ang Pag-uusap ng Dalawa

Reporter:“Madaling araw pa may naglagay dito sa poster na ito? Bakit naglakas loob ka tanggalin?

Me“..Ako ay ordinaryong Filipino kung sino man naglagay nito ay tanungin ang sarili? Tama ba ito?.. Kung may karapatan ka maglagay ng poster pero “Maling” impormasyon, may karapatan din ako “i-Tama” ang mali.. Kung ilagay mo I love Philippines, sa tingin mo tatangalin ko??”

Reporter:“..Sino sa paningin ko ang naglagay??..”

Me:“..Who cares? Kung alam ko na mali ay basta gagawin ko ang tama.. At tingin ko kagagawan ng fake media at mga aktibista.. Kung may nagastos ka sa paglagay mo ay hanapin ako at babayaran ko pagawa mo.”

Sa comment section, mababasa mo ang paghanga ng mga Netizens sa ginawa ni Salomon. Tama lang ang kanyang dahilan kung bakit niya tatanggalin ang mga poster na sa tingin niya ay mali.

Ikaw kabayan? Ano po masasabi mo dito? Bilib po ba kayo sa ginawa ng lalaki?

Article Source: http://updatedtayo.info/lalaki-tinanggal-ang-welcome-china-tarp-at-nakipagtalo-sa-reporter



Loading...